"TATAY" FREDDIE

October 26, 2008 ·


"Kumbinasyon"

By Manny Pacquiao


PhilBoxing.com







LOS ANGELES — Pitong taon na pala ang nakakaraan mula nang ako ay dumating sa Los Angeles at kumatok sa pinto ng Wild Card gym ni Coach Freddie Roach. O kay bilis ng panahon.

Kaya naman kahit na anim na linggo na lang ang nalalabi bago kami magkaharap sa ibabaw ng ring sa December 6, alam kong hindi na matagal at mangyayari na ang pinakapinananabikang laban ng taon. Magsasagupa kami ni Oscar Dela Hoya sa MGM Grand Arena sa Las Vegas at excited na ako.

Kahapon, araw ng Biyernes, nang kami ni Coach ay nagsasanay sa punch mitts, hindi ko lubos maisip na napakarami na naming oras, araw at taon na magkakilala. Parang magkasama na kami sa napakatagal na panahon at sa bawat laban ng aming buhay, magkarugtong ang aming landas.

Malayo na ang aming narating ni Ginoong Roach at malalim na ang aming samahan, isang bagay na hindi na mabubuwag ng panahon at ng ano mang ibang mga bagay. Tiwala ako sa kanya dahil alam ko, ang pagtrato niya sa akin ay para na rin niyang sariling anak. Sa kanya nakasalalay ang aking buhay at buo ang tiwala ko na maraming beses na niya ako naitama ng landas, lalong lalo na sa ibabaw ng ring.

Kahit na hindi naman malaki ang agwat ng aming edad, para na rin kaming mag-kuya dahil sa ang turing namin sa isa't-isa ay binabalot ng respeto at paghanga sa aming bawat kakayahan. Pero sa mga interview, mas gusto kong iturinng na "tatay" ko si "Coach Freddie."

Sa simula pa lang, nang kaming dalawa ay nagsimulang mag-mitts may pitong taon na ang nakakaraan, alam kong siya na ang matagal ko nang hinahanap na trainer. Pati rin si Coach, matapos daw niya akong i-mitts noon unang pagkakataon, nakita na niya sa akin ang kakaibang potensiyal.

Nagsimula kaming bumuo ng isang sistema ng pakikipaglaban, isang bagay na pinagkakasunduan naming dalawa. Siya ang guro, ako ang estudyante. Pero, sa pagdaan ng maraming panahon, kaming dalawa na ang bumubuo ng aming mga plano para sa isang laban, magkakaiba mula roon sa nakaraang laban o kung sino ang susunod na kalaban.

Kahapon, walang-pigil ang aming ensayo sa mitts. Kahit na pagod ako, pinipilit ko pa ring ibigay ang lahat ng aking lakas at kahit na si Coach Freddie rin, kahit nababakas ang pagod sa kanyang anyo, kahit na malalim na rin ang kanyang paghinga at pawisan na rin kaming dalawa, walang-tigil naming ipinagpapatuloy ang ensayo. Alam ko rin na sa sobrang lakas ng mga suntok sa katawan, malaking hirap at sakit din ang dinaranas ng aking pinakamamahal na guro.

Nakita kong hinihimas niya ang kanyang kamay dahil sa sakit matapos naming mag-mitts. Pero gaya ko rin, si Freddie ay isang mandirigma na hindi marunong umayaw at hindi tumatalikod sa mga pagsubok at kahit na anong laban. Pareho namin sinusubukan ang hangganan ng aming kakayahan at kahit na kapwa kami pagod, bigay-todo pa rin ang salpukan ng aming mga kamay. Kapag sinusuntok ko sa tiyan si Coach, alam kong masakit din ng kaunti ang ginagawa ko pero tinatanggap niya ito dahil kasama ito sa aming trabaho. Palagi ko siyang tinatanong: "Are you tired?" Kapag "no" ang sagot niya, wala na kaming 30-second break at tuluy-tuloy na ang ensayo papunta sa susunod na round.

Para kay Coach Freddie, Thank you very much. I owe you a lot.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

0 comments:

Post a Comment

Subscribe for Free

Subscribe to BOXING UNLIMITED by Email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Subscribers

SHOUT OUT

SHOUT OUT
Create a Meebo Chat Room
web design company
software.

Online Users

Followers