PAG-AASINTA SA BULL'S EYE

November 11, 2008 ·


PhilBoxing.com





LOS ANGELES — Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.
Handang-handa na ako sa laban at paganda na nang paganda ang aking kondisyon halos isang buwan na lang ang nalalabi bago kami tuluyang magbanggaan ni Oscar Dela Hoya sa ibabaw ng ring sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Ang tinaguriang "Dream Match" na aming wawakasan sa Disyembre 6 ni Dela Hoya ay magiging isa sa pinakamalaki at pinakamagandang laban ng taon sa larangan ng boksing dahil lubos naming gustong manalo at magtapos ang laban na ang resulta ay magiging isa sa mga tatalakayin at pag-uusapang laban sa mahabang panahon.
Kaya naman, wala akong pinalalampas na bagay sa paghahanda ko. Lahat ng mga sangkap upang magwawagi tayo sa laban na ito ay aking ginagawang lahat, kasama na riyan iyong pagbubuhos ng buo kong lakas sa training.

Kaya naman, pagkatapos ng isang matinding araw sa gym, kadalasan ay umuuwi kami agad sa aking apartment at nagagawa naming maglibang at mag-relax upang mapawi ang pagod.

Bukod sa pag-gitara, paglalaro ng chess, pagkanta sa karaoke at marami pang ibang pinagkakaabalahan, ako ngayon ay nalilibang sa paglalaro ng darts. Hindi pa gaanong matagal mula nang mag-umpisa akong maglaro ng sport na ito at masasabi kong malaki na ang aking ipinagbago. At maganda ang resulta ng aking paglalaro dahil nakikita ng aking mga kasambahay ang malaking pag-improve ng aking game.

Maganda ang darts dahil itinuturo ng sport na ito ang kapangyarihan ng ating utak at pag-iisip at ang pagkunekta nito sa ating pangangatawan. Kapag magaling ka na sa larong darts, kung ano ang iisipin mong gusto mong patamaan, kadalasan ay tinatamaan mo. Kadalasan ngayon, medyo malaki na ang bahagdan ng aking pagiging asintado at kinagigiliwan ko ito.

Parang sa boksing din, itinuturing kong bull's eye si Dela Hoya at doon ako naka-focus ngayon. Alam kong mahirap patamaan ang bull's eye pero dahil na rin sa aking pagsisikap at pagtitiyaga, sa tingin ko, hindi mahirap na matatamaan ko ito ng hindi lang isang beses. Sana, kapag natamaan na natin ang bull's eye, tayong lahat ay magsasaya at sasayaw sa mga kalye ng bawat sulok ng bansa.

Sa Disyembre rin, pagkatapos ng aking laban, ako ay magpapa-tournament ng darts sa Pilipinas at gusto kong maging malaki ito at sasalihan ng lahat ng mga magagaling na darters ng Pilipinas at ng iba pang bansa.

Magbibigay ako ng P2 Million na prize fund at sa ngayon, marami nang mga tao ang nagpahiwatig ng kanilang interes sa pagsali rito.

Sana po ay tuluyan ninyo pa rin akong suportahan sa lahat ng bagay, para lahat tayo ay makatama sa ating mga pansariling mga bull's eye sa ating mga buhay.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

1 comments:

Anonymous said...
November 28, 2008 at 9:29 PM  

manny,

request lang na paki bura mukha ni dela hoya sa bugbog dahil sobrang yabang at maliit tingin sa iyo at masyado malaki kompiyansa niya sa sarili sana handog mo sa amin dito sa villa angela, angeles city na patuloy ang suporta namin at panalangin para sa iyong panalo... congrats in advance at ingat...God Bless..

Nicky of Angeles City, Pampanga

Post a Comment

Subscribe for Free

Subscribe to BOXING UNLIMITED by Email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Subscribers

SHOUT OUT

SHOUT OUT
Create a Meebo Chat Room
web design company
software.

Online Users

Followers